Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang isang barangay chairman sa Cebu City at pito nitong kagawad matapos mabigong makipagtulungan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 7 na nagsagawa ng drug raid sa siyudad noong Nobyembre 2016.

Suspendido sina Felicisimo Rupinta, chairman ng Barangay Ermita; at mga kagawad niyang sina Marky Rizaldy Miral, Antonieto Flores, Ryan Jay Rosas, Alio Tamundo, Domingo Ando, Maria Buanghug, at Wilbert Flores.

Paliwanag ni Deputy Ombudsman for Visayas Paul Clemente, pansamantala niyang tinanggalan ng kapangyarihan ang walong opisyal hanggang hindi nareresolba ang mga kasong administratibo na grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service ng mga ito.

Ang walong opisyal ay inireklamo ni PDEA-7 Director Yogi Filemon Ruiz dahil sa hindi pagtungo sa lugar ng operasyon upang magsilbing testigo sa raid. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?