CAUAYAN CITY, Isabela – Kaagad na namatay ang isang lalaki habang nakaligtas naman ang nobya niya makaraan silang pagbabarilin ng suspek sa airport road sa Barangay San Fermin, Cauayan City.
Ayon kay PO3 Ryan Divina, dakong 4:20 ng hapon nitong Miyerkules nang pagbabarilin si Eduardo Tacabino, 29, ng Bgy. Namnama, Cabatuan, Isabela; at nobya niyang si Heart Versoza, 28 anyos. Nasawi si Tacabino.
Batay sa report, kagagaling lang ng magkasintahan sa korte at pauwi na nang pagbabarilin, at may hinala ang pulisya na may kinalaman sa dinaluhang pagdinig ang pamamaril sa magkasintahan. (Liezle Basa Iñigo)