DIREK LAUREN JUDAY AT CORY copy

BABALIK na sa telebisyon si Judy Ann Santos dahil nakipag-meeting na siya sa ABS-CBN last Tuesday. Kumalat sa Internet ang picture niya kasama si Ms. Cory Vidanes, Direk Laurenti Dyogi at Deo Endrinal.

Post ni Judy Ann sa pagbisita niya sa Kapamilya network: “Earlier today... very happy with today’s meeting and presentation... see you all soon Kapamilyas. @officialjudyph is my management teams account, yaayy!!! Ang bongga ng management team!!! Ang lakas maka-Hollywood!!! Chos!”

Kahit wala pang malinaw na project na binanggit, excited at masaya na ang fans ni Judy Ann sa malapit na pagbabalik niya sa TV at paggawa ng teleserye. Marami rin ang nagwi-wish na sana ay ituloy ang naudlot na project nila ni Richard Yap na hindi muna itinuloy dahil nagbuntis siya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Naintriga lang kami sa binanggit ni Judy Ann na “@officialjudyph is my management team. Ibig ba nitong sabihin, ito na ang magpapalakad ng career niya?