BUKAS gaganapin ang final screening ng mga nais sumali sa Mossimo Bikini Summit 2017: Model Supremacy sa The Penthouse 8747 (Paseo de Roxas, Salcedo Village, Makati City) simula 10:00 ng umaga.

Ang search ay bukas para sa lahat ng aspiring male and female models (all nationalities with Filipino blood or ancestry), 18 to 25 years old, at least high school graduate, single at may exceptional character na perfect para maging next big thing sa modeling industry.

Ang height requirement for male ay 5’10” at para sa female naman ay 5’6”. Ang interested applicants ay kailangang may proportional physique at may excellent communication skills. Ang application forms ay maaaring ma-download sa themodelsupremacy.com o maaaring bumisita sa Mossimo branches sa Glorietta Ayala Center, SM Megamall, SM North Edsa and SM Mall of Asia.

Ang Mossimo Bikini Summit ay nasa ikasiyam na taon na at muling gagawin sa Boracay Island na una nitong venue noong 2002. Ang finals night ay mangyayari sa April 8, 2017 sa Henann Regency Resort and Spa. Bukod dito, lilibot din ang candidates for a series of shows sa ibat ibang probinsiya na suot ang mga likha ng local fashion designers at ang latest collection ng international brand na Mossimo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang titleholders ay tatanggap ng Php250,000 each, Php150,000 naman para sa first runners-up at Php100,000 each para sa second runners-up. Tatanggap din ng exciting valuable gifts mula sa sponsors ang winners.

Sa Mossimo Bikini Summit nagsimulang makilala sina Carlo Maceda, Jordan Herrera, Edward Mendez, AJ Dee, Eri Neeman, Gerard Acao, Mark Cruz, Kim de Guzman, Kiko Matos, Benj Bolivar, Aaron Yanga; at ang runway superstars na sina Brent Javier at Jasmine Maierhofer; Martin Jickain, Jiro Shirakawa, Denise Montecillo, Geoff Taylor, Janelle Olafson, Marc Manicad, Angelo Cacciatore; Shay Bustamante; Renz Ongkiko and Marco Grazzini, at iba pa.

Para sa updates, maaaring bisitahin ang www.themodelsupremacy.com, Facebook (fb.me/themodelsupremacy), Twitter (@themodelsupreme), Instagram (@themodelsupremacy) at YouTube (The Model Supremacy).