Dalawang katao, isa ay hinihinalang tulak at ang isa naman ay holdaper, ang magkahiwalay na pinatay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PO3 Darmo Cardenas ng Batasan Police Station 6, dakong 12:30 ng gabi, nakarinig si Bradly Sy, residente, ng sunud-sunod na putok ng baril sa kahabaan ng Kasipagan Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Nang silipin ni Sy ang lugar na pinanggalingan ng putok, tumambad sa kanya ang duguang bangkay ng biktima na may pitong tama ng bala sa katawan.

Inilarawan ang biktima na 5’4” ang taas, nakasuot ng itim na jacket, gray na t-shirt, itim na rubber shoes at katamtaman ang pangangatawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang dako, sa Bgy. West Triangle, napatay naman ang isang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis, bandang 2:00 ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jerry Sibug.

Ayon sa kanyang nabiktimang si Jeffrey Bautista y Reyes, ng Block 5 Antique St., Bgy. Bago Bantay, naglalakad siya sa West Triangle nang bigla siyang tutukan ng baril ng suspek at nagdeklara ng holdap.

Matapos makuha ang pera at gamit ay mabilis na tumakas ang suspek ngunit siya’y natiyempuhan ng Masambong Police ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban pa umano ito sa mga pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Jun Fabon)