Nagsampa ng kaso ang mga kamag-anak ng diumano’y biktima ng summary executions sa anti-drug war at counter-insurgency campaign ng Pangulong Duterte sa joint monitoring committee ng gobyerno (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDF).

Kasabay ng paghahain ng kaso sa GRP-NDF Joint Monitoring Committee (GRP-NDF JMC), nagpahayag ang Rise Up for Life and for Rights (RULR) ng matinding pagkabahala sa “onslaught of senseless killings” sa mga maralitang pamayanan sa bansa.

Hiniling ng RULR na talakayin ang mga pamamaslang sa digma kontra droga ni Duterte sa ikatlong serye ng GRP-NDF peace negotiations sa Rome simula Enero 19 hanggang 25.

Sinabi ng grupo na lumala ang mga pamamaslang resulta ng mga pahayag ni Duterte na papatay siya ng 6 na milyong durugista at pusher bago magtapos ang kanyang termino sa 2022 at nangakong iaabsuwleto ang mga inakusahan ng summary executions.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“As we seek appropriate venues to bring these drug-related killings to sober investigation, we recognize that the respect of the human dignity and human rights of our kababayan is an essential component of building a just and lasting peace in our nation; therefore, Church leaders urge the GRP and the NDF to include in their peace talks this urgent matter of drug-related killings with impunity that have escalated to epidemic proportions,” saad sa pahayag ng RULR na inilabas ni spokesperson Fr. Gilbert Billena.

Ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na nilagdaan ng GRP at NDF ay nagkakaloob ng framework sa pagtugon sa mga isyung ito dahil sa layunin ng kasunduan na igarantiya ang proteksiyon ng karapatang pantao ng lahat ng Pilipino ”under all circumstances” lalo na ng mga manggagawa at maralita. (CARHRIHL Part II, Article 2). (Chito A. Chavez)