Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 n.h. -- Mahindra vs TNT
7 n.g. -- Phoenix vs NLEX
MAKAWALA mula sa kinalalagyang five- way tie sa ikaapat na puwesto ang target ng Phoenix at Talk ‘N Text sa magkahiwalay na laro sa OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Taglay ang patas na barahang 4-4, kapwa pupuntiryahin ng Tropang Texters at Fuel Masters ang krusyal na panalo para patatagin ang kampanya na makasikwat ng puwesto sa playoff.
Haharapin ng Texters ang Mahindra sa unang laban ganap na 4:15 ng hapon habang sasagupain ng Fuel Masters ang NLEX Road Warriors ganap na 7:00 ng gabi.
Galing sa 77-88 na kabiguan ang Katropa sa kamay ng Star Hotshots. (Marivic Awitan)