Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Corpuz na isa sa kanilang nakikitang hakbang upang madagdagan ang kita ng ahensiya ay ang pagpapalawak sa operasyon ng small town lottery (STL) sa buong bansa.

Mahigpit ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PCSO na maghanap ng mga paraan para maitaas ang revenue, na gagamitin ng pamahalaan sa pagbili ng gamot para sa mahihirap na pamilya at mga ospital ng gobyerno.

Nabatid na mula 2006 ay may 18 awtorisadong agent corporations para mag-operate ng STL sa buong bansa. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'