Nasawi ang isang lalaki habang inoobserbahan pa sa ospital ang kasamahan nito makaraan silang masabugan ng bomba sa Lamitan City, Basilan, nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Lamitan City Police Office (LCPO), dakong 4:00 ng hapon nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Sabong sa Lamitan.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Saibi Haddalun, habang malubha namang nasugatan si Neneng Haddalun.

Naniniwala ang militar na bahagi ito ng diversionary tactics ng Abu Sayyaf Group upang malihis ang atensiyon ng militar sa patuloy na opensiba laban sa bandidong grupo sa bayan ng Sumisip. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog