YASSI AT COCO copy copy

KASALUKUYANG nasa Cebu City ang buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil doon na ang location nila at doon sila nagti-taping.

Kung hindi kami nagkakamali ay aabutin sila roon hanggang Huwebes.

Isinabay na rin ang pagdalo nina Arjo Atayde, John Prats, Onyok, Yassi Pressman at Coco Martin sa Sinulog na binalak nilang isama sa taping para sa serye, pero nahirapan ang buong staff and crew dahil dinudumog ng mga tao si Coco.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Yes, Bossing DMB, kuwento sa amin ng taga-Cebu na kaibigan namin, isinisigaw ng mga tao ang pangalan nina Coco pati na ang titulong Ang Probinsyano.

Nakunang nakasakay sa float na sobrang taas ang mga nabanggit dahil kailangan para hindi sila maabot ng mga tao na pilit na hinihila ang mga artista. (Reggee Bonoan)