ramirez copy

Pangulong Duterte, mangunguna sa PSI launching.

TARGET ng Pilipinas na makamit ang unang gintong medalya sa Olympics sa 2020 edition sa Tokyo, Japan.

Apat na taon mula ngayon, maraming kilay ang nagtaasan sa tila ambiyosong pananaw ng Philippine Sports Commission.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngunit, para kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, hindi malayong maabot ang pangarap ng sambayan sa tamang konsepto at matibay na programa na siyang sentro ng Philippine Sports Institutte (PSI).

“We need a solid foundation. Hindi puwedeng may programa ang sports association, tapos may programa ang POC at makikisabay pa ang PSC na pareho lang naman sa isa’t isa. Talagang walang mangyayari,” pahayag ni Ramirez.

‘But if we have one program, one sports institute, change is really coming in Philippine Sports,” aniya.

Mismong ang Pangulong Dutere, matibay sa paninindigan nang pagbabago mula sa matandang nakagawiang sistema ng pamahalaan, ang magbibigay ng ayuda sa atletang Pinoy sa kanyang pagdalo sa ‘grand launching’ ng PSI ngayon sa Philsports Arena (dating ULTRA) sa Pasig City.

“PSI will have its mark in the field of sports science support to our elite athletes. PSC has earmarked big amount to purchase equipments that will help athletes in their training, better equipment in our Strength and Conditioning Gym. We will have more diagnostic equipment for them to help injured athletes. And even help the training ng mga athletes natin,” sambit ni Ramirez.

Iginiit ni PSI National Training Director Marc Edward Velasco na mahabang proseso ang kailangan para makita ang resulta ng programa, ngunit ang PSI aniya ang tutugon sa mga pangangailangan ng mga atleta at coach na mahabang panahon na nakaligtaan.

“Hindi lang kasi pure talent ang kailangan. We have to develop our athletes not only physically but mentally. Yung strength and conditioning. Yung mental toughness, we need to address that aspect. PSI is not just a program, it’s a whole package for the athletes needs,” pahayag ni Velasco

“This time around we are not limiting ourselves to PSC premises. We are going out: (we have) Russia, China, the Koreans are actually reaching out to us asking us how they can help us,” aniya.

Bilang sentro ng programa, nakipag-ugnayan na ang PSC sa University of the Philippines College of Human Kinetics at United States Sports Academy upang makalikha ng educational program na angkop sa mga pangangailagan ng mga atleta at coach na nais gawing propesyon ang sports.

Nariyan din ang hangaring maitaas ang lebel ng kompetisyon sa Philippine National Games sa pamamagitan ng pagpapaangat ng kalidad ng mga kalahok mula sa grassroots level.

“The PNG will not be taken lightly because the competition will be a lot tougher. So they (national athletes) will really be fighting for their spot. With that it creates an environment of healthy competition from there talagang mas masasala natin ang national athletes natin,” pahayag ni Velasco. (Edwin Rollon)