VICTORIA, Tarlac - Nagtamo ng malulubhang taga sa katawan ang isang grader operator makaraan niyang makaalitan sa inuman ang kapwa niya operator sa loob ng kanilang barracks sa Barangay Balayang sa Victoria, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.
Pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan si Isagani De Leon, 49, may asawa, ng Bgy. Aguso, Tarlac City na ginagamot ngayon sa ospital.
Napag-alaman sa follow-up investigation ni PO3 Sonny Villacentino na nakikipag-inuman si De Leon kay Edwin Basay, 39, backhoe operator, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City, nang magtalo ang dalawa na nauwi sa sigawan hanggang pagtatagain ni Basay si De Leon. (Leandro Alborote)