Umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga fish pen operator na kusa nang baklasin ang kanilang mga fish cage sa Laguna Lake bago pa simulan ng kagawaran ang malawakang clearing operations sa mga nabanggit na ilegal na istruktura sa lugar.

Ayon kay DENR Undersecretary at National Anti-Environmental Crime Task Force (NAECTF) Chief Arturo Valdez, kahit noong Disyembre 31, 2016 pa nag-expire ang permit ng mga fish pen operator ay binibigyan pa rin nila ang mga ito ng pagkakataon na maisalba ang ari-arian ng mga ito, katulad ng cage enclosure materials.

“Once we begin the operation, all assets affected by our dismantling activities will be confiscated in favor of the government,” babala ni Valdez.

Aniya, nagbaklas na ng kani-kanilang istruktura ang ilang operator noon pang nakaraang buwan, ngunit ang iba ay patuloy pa ring nagmamatigas.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“We have imposed a total moratorium on the renewal of permits starting January 1, 2017. This means the pens and cages can be dismantled anytime,” sabi pa ni Valdez.

Ang hakbangin ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte bilang bahagi ng ipatutupad na Laguna Lake rehabilitation plan. - Rommel P. Tabbad