GERONA, Tarlac – Limang katao ang nasugatan sa pagsasalpukan ng isang tricycle at isang motorsiklo sa Gerona-Guimba Road sa Barangay Abagon, Gerona, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Kristoffer Zulueta ang mga isinugod sa Sacred Heart Hospital na sina Dominic Acosta, 21, driver ng Honda TMX 155 motorcycle (OI-7287); Biwi Samoy, 20, kapwa taga-Bgy. Abagon, Gerona.

Nasugatan din ang driver ng tricycle na si Federico Flores, Jr., nasa hustong gulang, at ang mga pasahero niyang sina Prince Flores, 9; at Edison Quibal, 34, ng Bgy. Poblacion 2, Gerona, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog