Tanya copy

KINANSELA ni Tanya Tucker ang kanyang tour dates nang ma-fracture ang kanyang vertebra na ikinasugat ng kanyang rib nang malaglag siya habang nasa tour.

Ayon sa pahayag ng kanyang publicist, na-diagnose rin si Tucker na may bronchitis habang nasa ospital sa Texas.

Sinabi rin sa pahayag na binigyan na si Tucker ng breathing treatment at physical therapy ngunit hindi na kinakailangang sumailalim ng surgery.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Inilipat ng Delta Dawn singer ang kanyang tatlong tour date sa Kansas at Oklahama. Bagamat inihayag ni Tucker, 58, sa isang pahayag na siya’y “mad” sa nangyari.

Kabilang sa patok na awitin ni Tucker ang Soon at Strong Enough to Bend. (AP)