Magkasunod na natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Parañaque City Police chief Senior Supt. Jose Carumba, dakong 11:55 ng gabi natagpuan ng isang vendor ang isang bangkay ng lalaki sa Macapagal Avenue.

Nakasuot ang biktima ng asul na t-shirt at dark blue na pantalon, may tattoo sa katawan, ibinalot sa plastic ng basura ang mukha, iginapos at may mga saksak sa katawan.

Samantala, dakong 12:55 ng madaling araw nadiskubre ang isa pang bangkay ng lalaki sa harap ng Sentosia Macapagal Avenue, Barangay Tambo, ilang metro lamang ang layo sa lugar ng unang biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gaya ng unang biktima, ibinalot din sa plastic ang mukha ng ikalawang biktima, iginapos at nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Inaalam na ng awtoridad kung iisa lang ang suspek sa pagpatay. (Bella Gamotea)