Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- Arellano vs St.Benilde (jrs/srs/w)

12:30 n.h. -- Perpetual vs San Sebastian (w/srs/jrs).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

ITATAYA ng San Sebastian College ang malinis na imahe sa pagsagupa sa University of Perpetual Help sa women’s division sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 volleyball elimination ngayon sa San Juan Arena.

Nakatakda ang laban sa 12:30 ng hapon kung saan target ng Lady Stags ang ikapitong sunod na panalo.

Muling pamumunuan ang Lady Stags nina reigning MVP Grethcel Soltones at beteranong sina Kat Villegas at Joyce Sta.Rita.

Para kay Lady Stags coach Roger Gorayeb, kailangan lamang ng mga player na maging consistent upang makamit ang target na finals slot.

Hangad naman ng Lady Altas na palakasin ang tsansang umusad sa Final Four round sa pagpuntirya sa ikaapat na panalo sa anim na laro.

Sa iba pang laro, pag-aagawan ng Arellano at defending champion College of St.Benilde ang solong ikalawang puwesto sa pagtutuos ganap na 11:00 ng umaga.

Kasalukuyang magkasunod ang dalawang koponan sa standings, ang Lady Blazers na may 5-1 karta, habang 4-2 ang lady Chiefs.

Mauuna rito, magtutuos naman Blazers at Chiefs sa men’s division kung saam nakataya rin ang ikalawang puwesto.

Magtutuos din ang kanilang junior squad. (Marivic Awitan)