KUMAKALAT ang mga balita na nagpakasal na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth sa kanilang magarbong selebrasyon noong New Year’s Eve sa San Diego.

“It was all extremely last-minute,” saad ng insider sa New Weekly magazine, at idinagdag na ibinunyag lamang ng 24-anyos na singer at 26-anyos na aktor ang tungkol sa kasalan ilang oras bago ginanap ang seremonya.

“Liam’s entire family flew over for the holidays and the Cyrus family were in town too. It just seemed like a no-brainer to do it while everyone was together,” sabi ng source.

Noong bisperas ng Bagong Taon, nag-post ang Wrecking Ball hitmaker ng larawan sa Instagram na mayroong caption na:

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Family #inlaws,” na tampok ang kanyang ina, Tish Cyrus, Liam at ina ni Chris na si Leonie Hemsworth at ina ni Elsa Pataky na si Cristina Pataky Medianu.

Inilaan ng magkasintahan ang mga nakaraang linggo sa pagbisita sa kani-kanilang pamilya at naiulat na pinaplano nilang manirahan sa Byron Bay, NSW, ngayong taon.

Ayon sa Woman’s Day, napili ang 24-anyos upang maging ikaapat na judge sa The Voice Australia sa susunod na taon, at may dalawang pelikula namang gagawin si Liam.

“The timing couldn’t be more perfect for them,” sabi ng source sa magazine.

Napaulat din na nais ng magkasintahan na makapagsimula na ng pamilya sa lalong madaling panahon.

“(Miley thinks it) is the perfect place to have kids and raise a family, out of the limelight and in paradise,” saad ng kanilang kaibigan sa Hollywood Life. (Yahoo Celebrity)