Sugatan ang isang negosyante makaraang saksakin ng holdaper dahil sa pagtanggi niyang ibigay ang kanyang bag sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Menchita Grimaldo y Revilla, 49, ng Block 9, Lot 14, Phase 14, Phase 6 Creek Site, East Service Road, Sucat ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamong saksak sa kanang balikat.

Naglalakad pauwi umano si Grimaldo nang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek na armado ng kutsilyo at pilit inagaw sa kanya ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng isang tablet, isang Samsung Galaxy Y, isang Globe Cash Card, mga ATM card (BDO, Metrobank), susi ng sasakyan, mga identification card at mga alahas na nagkakahalaga ng P3,000, at P30,000 cash.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang nasabing bag kaya sinaksak siya ng suspek. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20