SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Kaagad na nasawi ang isang 60-anyos na nasa watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) habang isa pa ang naaresto sa buy-bust sa magkahiwalay na insidente sa Pangasinan.

Sa ulat ng San Carlos City Police, dakong 8:50 ng umaga nitong Sabado at mamamalengke si Nicanor Gonzales, 60, ng Barangay Caingal, San Carlos, nang pagbabarilin siya ng riding-in-tandem.

Sa Bolinao, nadakip naman si Brian Caacbay, 27, bagong tukoy na drug personality, ng Bgy. Concordia, Bolinao, sa pagbebenta ng hinihinalang shabu. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR