Isang matandang babae ang nasawi habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang inilarawang nasa edad 65, 5’2” ang taas, kulot, nakasuot ng puting short at dilaw na t-shirt.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:30 ng madaling araw ay tumatawid ang biktima sa Jose Abad Santos Avenue, kanto ng Antipolo Street sa Tondo, nang bigla itong mawalan ng malay at humandusay.

Ilang concerned citizen ang tumulong sa biktima ngunit nabahala ang mga ito nang makitang hindi na humihinga ang biktima kaya agad ini-report sa mga awtoridad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa mga pulis, posibleng inatake ang biktima ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)