TALAVERA, Nueva Ecija — Isang 27-anyos na bagitong pulis sa San Miguel, Bulacan ang isasailalim sa masusing interogasyon kaugnay ng indiscriminate firing noong Miyerkules.

Sa ulat na ipinarating ni P/Supt. Leandro Novilla, Talavera Police chief kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Director, kinilala ang rookie cop na si PO1 Marvin Matias, may-asawa ng Purok JP Rizal, Barangay Pinagpanaan sa bayang ito, na umano’y napapaputok ng kanyang service firearms sa bahay ni Ena Reyes, dakong 8:15 ng gabi noong Miyerkules.

Naalarma umano ang mga tanod ng barangay nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. May humingi ng tulong sa nagpapatrulyang mobile car ng pulisya at natukoy ang naturang pulis.

Kinabukasan ay kusang sumuko si Matias.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa pagsisiyasat ng pulisya, apat na bala ang tumama sa bakod ng nasabing bahay at isa sa nakaparadang Mitsubishi Lancer sa bakuran.

Walang narekober na basyo ng baril sa lugar. Isinasailalim na sa paraffin test at ballistic examination ang pulis at nahaharap sa kasong Alarm & Scandal. (Light A. Nolasco)