meek-at-nicki-copy

TINAPOS na nina Nicki Minaj at Meek Mill ang kanilang relasyon.

Kinumpirma ni Nicki, 34, ang balita sa kanyang tweet nitong Huwebes, sa kanyang post na: “To confirm, yes I am single. Focusing on my work & looking forward to sharing it with you guys really soon. Have a blessed New Year. Love u.”

Lumabas ang mga haka-haka tungkol sa hiwalayan ng dalawa sa Internet noong nakaraang buwan nang burahin ng 29-anyos na rapper ang kanyang Instagram account at nagsimulang mag-post si Minaj ng mga misteryosong mensahe na nagpapahiwatig na tapos na ang kanilang relasyon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nag-post din si Minaj ng larawan ng asul at gold na Chanel sandals na may lyrics ng awitin ni Beyonce na “Best Thing I Never Had.”

“Thank God u blue it. Thank God I dodged the bullet. I’m so over u. Baby good lookin out,” saad ni Minaj noong Linggo, bilang pasasalamat sa “epic gift” ng kanyang kaibigang si Sinceré.

Bagamat nagpapakita ng ilang singsing ang Starships singer na nagbunsod ng mga haka-haka tungkol sa kanilang engagement, ilang ulit namang itinanggi ng magkasintahan na nagpaplano na silang magpakasal.

“I’m not engaged yet,” ani Minaj sa kanyang April cover story sa Nylon. “He said that my third ring would be my engagement ring. But sometimes he calls me his fiancée, and I’m always trying to stop him, like, ‘Nope! I ain’t got that third ring yet!’”

Patuloy pa ni Minaj: “We’re just taking it one step at a time. And, you know, if that happens, if I get married, then I’ll have a child, and that’ll be fun, because I can’t wait to hold my baby.”

Naisapubliko ang kanilang relasyon noong Marso 2015. (People.com)