piolo-copy

BUMIBILANG na ng dalawang dekada sa mundo ng showbiz si Piolo Pascual. Halos lahat ng roles sa larangan ng pelikula at telebisyon ay nasubukan na niyang gawin.

Pero aminado si Piolo na marami pa siyang gustong subukang gawin. Gayunpaman, hindi magiging problema para sa kanya kung sakaling dumating ang panahon na hindi na siya kabilang sa mga tinitingalang bituin ng lokal na aliwan.

Aniya, itinuturing na niyang napakalaking blessings ang maraming taon na inilagi niya sa showbiz.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“This is a blessing already. As long as I know, I’m enjoying my life and I’m able to do things that I enjoy doing, that’s okey for me,” sabi ni Papa P.

Nararamdaman daw niya na parang gusto rin niyang sumubok sa international scene. Gusto rin niyang makita ang sarili sa international projects para hindi lang mga Pinoy ang nakakapanood sa kanya.

Nang tumamlay ang kanyang career ilang taon na ang nakararaan, pumutok ang balita na nagbabalak nang umalis sa showbiz si Piolo. Pero ngayon ay aktibo pa rin siya na labis-labis niyang ipinagpapasalamat sa Kapamilya Network at sa publiko.

“I’m just really grateful. I’m just thankful that I’m still around. As long as the station needs me,” sabi ng premyadong actor.

Samantala, inaabangan ng lahat ang malinaw na pahayag ni Piolo tungkol sa kanilang dalawa ni Shaina Magdayao.

Matagal-tagal na rin na laging sinasabi ni Piolo na ang dalagang kapatid ni Vina Morales ang pinakamalapit na babae sa puso niya. (JIMI ESCALA)