URDANETA CITY, Pangasinan — Nagbigti ang isang drug surenderer sa lungsod na ito na sinasabing natatakot na mapatay dahil sa nabulgar ang kanyang bisyo.

Iniulat kahapon na bago nagpakamatay si Ferdinand Luciao, 53, ay nakipag-inuman pa siya kamakalawa sa mga kaibigan at sinabing iyon na ang huli nilang pagkikita.

May palagay ang mga residente na nagkaroon ng takot ang biktima na mapatay katulad ng mga kasama na nasangkot sa droga kaya ipinasya niyang magpakamatay. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?