PINATUNAYAN ni Kylie Jenner na hindi lang siya reality star. Sa edad na 19, nakapasok si Jenner sa listahan ng Forbes 30 Under 30, opisyal na naging pinakabatang indibiduwal at nag-iisang teenager na napasama sa kategoryang Retail & Ecommerce ngayong 2017.

Ang pinakabatang Jenner ang nasa likod ng sikat na Kylie Cosmetics. Kabilang sa kanyang mabentang cosmetics line ang mga Lip Kit, Lip Gloss, Kyliner, at Kyshadow. Noong nakaraang taon, inilabas ni Jenner ang kanyang lip gloss line, at ayon sa sources na seven figures ang kinita ng reality star dito.

Hindi maitatanggi na mahusay sa branding at marketing si Kylie. Laging sold out ang bawat line na inilulunsad niya.

Binuksan din niya ang kanyang unang Kylie Pop Up Shop nitong nakaraang Disyembre, at nag-overnight ang kanyang mga tagahanga sa hangaring mauna sa make-up store niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod dito, mayroon ding apparel line si Kylie kasama ang kanyang kapatid na si Kendall. Kamakailan ay binuksan niya ang kanyang sariling merch shop online na Kylie Shop. Tinataya ng Forbes na si Kylie ang pangalawa sa may pinakamataas na kinikita sa kanyang pamilya kasunod ng kanyang half-sister na si Kim. (Yahoo Celebrity)