Pahalagahan ang buhay ng tao. Ito ang iginiit ng mga relihiyoso sa paghahanda ng Pilipinas sa World Apostolic Congress on Mercy mula Enero 16 hanggang Pebrero 20.

“Mercy is connected with life ... Life must be promoted, life will be preserved, life will be respected,” sabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa isang panayam.

Inaasahan na 3,600 obispo at pari sa 35 bansa kasama ang nagmula sa 60 dioceses at archdioceses sa Pilipinas ang dadalo sa relihiyosong pagtitipon.

Dadalhin ng tinaguriang “pilgrimage of mercy” ang mga delegado sa iba’t ibang banal na lugar sa Manila, Batangas, Bulacan, at Bataan. Isa sa highlight ng WACOM ang pagbisita ng mga delegado sa mga ulila, matatanda, baliw, drug addict, at katutubong Dumagat. (Jun Fabon)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'