cycling-copy

SAINT-QUENTIN-EN-YVELINES, France (AP) — Minsan nang pinayuhan ng kanyang coach si Robert Marchand na ibaling ang atensyon dahil wala siyang mahihita sa cycling.

Makalipas ang halos isang singlo, pinatunayan niyang mali ang akala ng namayapang mentor.

Sa edad na 105, naitala ng Frenchman ang world record sa 105-plus age category — binuo para sa mga beteranong siklista – nang makumpleto ang 22.547 kilometrong pagpedal sa loob lamang ng isang oras.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I’m now waiting for a rival,” paghahamon ni Marchand.

Naitala ni Marchand ang pahina ng kasaysayan sa cycling sa Velodrome National, ang modernong velodrome kung saan nagtatagisan ang mga pamosong world championa at elite cyclist sa mundo.

“I did not see the sign warning me I had 10 minutes left,” pahayag ni Marchand, patungkol sa ibinigay na babala ng organizer.

“Otherwise I would have gone faster, I would have posted a better time. I’m not tired. I thought my legs would hurt, but they don’t. My arms hurt, you have to hurt somewhere,” aniya.

Noong 2014, nakumpleto ni Marchand ang distansiyang 26.927 kilometro sa loob ng isang oras para lagpasan ang dating naitalang record sa over-100 category.

Binigyan ng standing ovation si Marchand matapos makumpleto ang 92 laps at kaagad na sinugod ng mga reporter at TV crew para sa panayam.

Bilang pagkukumpara, ang dating overall world record para sa isang oras na biyahe ay may layong 54.526 kilometro (33.880 miles) na naitala ni British rider Bradley Wiggins noong 2015. Ngunit, nagretiro na ang Olympic champion.