Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8:30 n.u. -- St.Benilde vs San Beda (Jr/Srs/W)

1 n.h. -- Mapua vs Letran (W/M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

NAPANATILI ng Lyceum of the Philippines ang malinis na karta nang manaig sa Emilio Aguinaldo College-ICA, 25-19, 25-23, 22-25, 25-22, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 92 junior volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagposte ng personal best 20 puntos si Valeriano Sasis III upang pangunahan ang Junior Pirates sa ikaapat na sunod na panalo.

Nanguna naman sa Junior Brigadiers na bumaba sa ikalawang puwesto sa barahang 4-1, si Ceejay Hicap na may 16 puntos.

Sa men's division, nanaig din ang Pirates kontra Generals, 27-25, 25-20, 25-18, para sa ikatlong panalo sa anim na laro, habang nanatiling bokya ang Generals sa pitong laban.

Pinangunahan nina Jhonel Badua at Joeward Presnede ang Generaks sa naiskor na tig-14 puntos. (Marivic Awitan)