Hiniling ng DoJ sa Manila Regional Trial Court Branch 49 na mag-isyu ito ng hold departure order laban kina Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at sa interpreter nito na si Yan Yi Shuo.

Ito ay sa pamamagitan ng urgent motion na pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Sina Marcelino at Yan ay akusado sa kasong possession of dangerous drugs kaugnay sa raid sa Celadon Residences sa Felix Huertas St. sa lungsod ng Maynila noong Enero 21, 2016 ng PNP-Anti Illegal Drugs Group at PDEA kung saan nadatnan sina Marcelino at Yan Yi Shuo.

Sa mosyon, tinukoy ng DoJ na sa pamamagitan ng HDO ay mapipigilan ang posibleng pag-alis sa bansa ng dalawa at makaiwas sa pag-usig ng kanilang kaso. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter