Kanselado muli ang ilang domestic flights sa bansa dahil pa rin sa masamang panahon, abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division kahapon.

Kinansela ng Cebu Pacific ang domestic flight nito na may rutang Roxas to Manila at pabalik (5J-373 at 5J-374), at biyahe mula Caticlan patungong Manila at vice versa (5J-895 at 5J-896).

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund.

(Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter