Hindi ititigil ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa mga nawawalang tripulante ng MV Starlite Atlantic, na lumubog noong Pasko kahit sisimulan na ang special board of marine inquiry.
Tiniyak ni PCG OIC Joel Garcia, na hindi ihihinto ang paghahanap sa mga sakay ng RORO hanggang magkaroon ng development.
Samantala, sinabi ni Captain Julius Caezar Lim, commander ng Philippine Coast Guard-Batangas, na hindi pa nila natutunton ang pinaglubugan ng barko at patuloy ang kanilang paggalugad sa ilalim ng dagat. (Beth Camia)