kris-bernal2-copy

HINDI na importante sa fans kung pinigilan ng GMA Network si Kris Bernal o sariling desisyon nito na hindi ituloy ang pag-alis sa kanyang home network para lumipat sa ABS-CBN. Ang importante sa kanila, nanatiling Kapuso si Kris at may bago na siyang soap na kanilang aabangan.

Si Kris ang isa sa dalawang bida ng remake ng Impostora at any day now, magkakaroon na ito ng storycon, itatakda ang taping at sunod na ang airing.

Hindi lang malinaw sa amin kung kaninong role sa original na teleserye ang gagampanan ni Kris. Sina Sunshine Dizon at Iza Calzado ang mga bida sa original version kasama sina Luis Alandy at Mark Anthony Fernandez.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa post ni Kris sa Instagram, ramdam ang bigat ng kanyang loob sa pagdedesisyon sa kanyang career.

“My 2016 was a tumultuous one with plenty of unexpected results. I am starting off stronger! I know I am starting off on the right foot! Starting my year right to where my heart truly belongs! (Nag-post ng emoticon ng puso.) Looking forward to 2017 with more opportunities and endless possibilities! Let’s do this! I’m more than ready! Happy New Year, my sweethearts!”

Sa naunang post, nabanggit ni Kris na nagdasal siya, kumunsulta sa maraming tao, nag-set ng maraming meetings, nagpa-survey para sa desisyon kung lilipat ba siya o mananatili sa Kapuso Network.

Pinili ni Kris na manatili sa GMA-7 at heto, binigyan agad siya ng bagong teleserye.

Hintayin natin ang announcement kung sinu-sino ang makakasama niya sa cast at kung sino ang magiging leading man niya at magdidirek ng Impostora. (Nitz Miralles)