Hindi pa matiyak ng Social Security System (SSS) kung maibibigay ngayong Enero ang paunang bahagi ng P2,000 na dagdag sa pension.

Paliwanag ni SSS chairman Amado Valdez, hangga’t hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon na iniharap ng SSS sa para naturang usapin ay malabo pa itong maipatutupad.

Aniya, nakapaloob sa resolusyon ang kautusang ibigay ang unang P1,000 sa kabuuan ng pension hike ngayong buwan at ang pangalawang P1,000 ay sa 2022.

Sinabi ni Valdez, gusto na sana nilang maipatupad na mismo ang pagpapalabas ng pagtaas ng pensyon ng mga miyembro ngunit nagsasagawa pa umano ng masusing pag-aaral sa usapin ang mga economic manager ng Pangulo. (ROMMEL P. TABBAD)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon