Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang nasunog matapos magliyab ang apoy sa garahe ng isang subdivision sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa report ni Quezon City Fire Marshall F/Sr. Supt. Manuel M. Manuel, dakong 9:30 ng umaga nang masunog ang garahe sa No. 14 Mariano St., Don Antonio Subdivision, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Manuel, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang anim na mamahaling sasakyan na nakaparada sa loob at labas ng garahe na pag-aari umano ng isang Nelson Patron.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ng mga bombero makalipas ang kalahating oras.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at walang nasaktan sa insidente. (Jun Fabon)