SAN JOSE CITY — Dahil sa hindi makayanang problema, nagbaril sa sarili ang isang 30-anyos na magsasaka sa Barangay San Juan sa lungsod na ito, Sabado ng madaling-araw.
Sinabi ni Supt. Reynaldo SG Dela Cruz, San Jose City
Police Chief, na ang magsasakang si Michael Bucago ay namatay sa tama ng bala sa sentido.
Ayon sa asawang si Bucago na si Noeimi, dakong 2:30 ng madaling araw nang umuwi si Bucago matapos makipag-inuman si Bucago sa mga kaibigan.
Sa harap ng asawa at apat nilang anak, binunot niya ang nakasukbit na baril, itinutok sa sentido at saka kinalabit ang gatilyo.
Ayon sa kabiyak, matagal nang pinoproblema ng Bucago ang isang pending warrant sa isang kasong hindi tinukoy.
(Light A. Nolasco)