BEIRUT (AP) – Nagkabisa ang ceasefire na nilakad ng Russia at Turkey sa Syria nitong hatinggabi ng Huwebes. Isa itong magandang balita sa anim na taong labanan na ikinamatay mahigit 300,000 katao at nagbunsod ng refugee crisis sa buong Europe.

Kapag napanindigan ang tigil putukan sa pagitan ng Syrian government at ng mga rebelde, susunod na rito ng peace talks sa Enero sa Kazakhstan, sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa paghahayag niya ng kasunduan. Inilarawan niya ang ceasefire na “quite fragile” at nangangailangan ng “special attention and patience.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina