Talong katao ang namatay habang dalawa ang malubhang nasugatan sa pananambang sa Kabacan, North Cotabato, kahapon ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon ng Kabacan Municipal Police, dakong 1:25 ng umaga nang mangyari ang ambush sa hangganan ng mga barangay ng Poblacion at Aringay sa Kabacan, at namatay sina Franz Villanueva, Jerry Villanueva at Roland Villanueva.
Nasugatan ang dalawa pang kamag-anak ng mga biktima sa ambush, na hindi pa batid ng pulisya ang motibo. (Fer Taboy)