TORONTO (AP) — Nagluluksa ang Canadian sports community sa pagpanaw ni Canadian professional cyclist Ellen Watters nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila),

Ayon sa pahayag ng pamilya, nabangga ng isang kotse ang noo’y nageensayo na si Watters, 28, sa Sussex, New Brunswick.

Sa pahayag sa Facebook, sinabi ng pamilya na nagtamo ng pinsala sa ulo ang cycling champion at hindi na naisalba ng mga manggagamot.

Ayon sa ulat ng Royal Canadian Mounted Police Sgt. Jim MacPherson, tinatahak ni Watters ang ng sangkot na sasakyan ang kahabaan ng rural road nang maganap ang aksidente.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Anila, nadakip ang driver ng kotse at kasalukuyang nakapiit. Ngunit, wala pang pormal na kasong naisasampa laban dito.

Tinanghal na kampeon si Watters sa Tour of Somerville sa New Jersey kamakailan at bronze medalist sa Canadian Road Championships.