marian-dingdong-at-zia-copy

LUMIPAD noong December 26 patungong Indonesia para magbakasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang anak nilang si Zia.

(Editor’s note: So, Indonesia pala at hindi Hong Kong, tulad ng unang naulat?)

Sa isang post bago sumapit ang Pasko, nabanggit ni Dingdong ang, “All I want for Christmas is a five days straight vacation with my family. Though may quality time pa rin naman with Yan Yan (Marian) and Baby Zia, siyempre, mas ite-treasure ko ‘yung tuluy-tuloy na pagba-bonding namin.”

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Natupad ang Christmas wish ni Dingdong, nakapagbakasyon silang mag-anak, after Christmas na nga lang.

Kung masusunod ang wish na five days vacation ni Dingdong, hanggang December 30 sila sa Indonesia at babalik bago mag-Bagong Taon.

Kailangan ni Dingdong ng bakasyon dahil naging busy siya sa shooting at promo ng hit Star Cinema movie na The Unmarried Wife at sa tuluy-tuloy na taping ng Alyas Robin Hood.

Nang makausap namin siya sa set ng action series, akala niya ay hindi sila makakaalis ni Marian dahil nga sa taping ng action serye. Nagbiro pa nga siya na hanggang Cavite lang (lugar nina Marian) sila makakapunta, pero nagawan ng paraan at nakaalis din ang mag-anak.

After New Year, balik-taping si Dingdong ng Alyas Robin Hood at tiyak na pag-uusapan na rin nila nina Direk Erik Matti at Piolo Pascual ang pelikulang Pintakasi na pagsasamahan for the first time nina Dingdong at Piolo.

(Nitz Miralles)