Patay ang isang construction worker makaraan siyang hampasin ng kable sa batok ng kanilang kainuman sa Barangay Dadiangas, General Santos City, iniulat ng pulisya kahapon.
Sumuko sa himpilan ng General Santos City Police Office (GSCPO) at umano’y umamin sa kanyang kasalanan si Ronnie Paña, 47, kaugnay ng pagpatay kay Marcel Ruda.
Ayon kay SPO1 Omar Melicano, nag-iinuman sina Paña at Ruda sa loob ng ginagawa nilang gusali sa isang paaralang elementarya at nang kapwa lasing na ay nagtalo hanggang hampasin ng suspek ng kable ang batok ng biktima. (Fer Taboy)