ZARAGOSA, Nueva Ecija - Limang tama ng bala ang ikinasawi ng isang 46-anyos na lending collector makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang nahihimbing sa loob ng kanyang tindahan sa Sitio Putot sa bayang ito, nitong Pasko ng gabi.

Sa ulat ng Zaragosa Police kay Senior Supt. Antonio Candido Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang biktimang si Carlito Buenavente y Luluquisin, may asawa, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, dakong 7:30 ng gabi nang pasukin ng suspek ang tindahan ng biktima, na noon ay natutulog, at pinagbabaril ito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon