Magpapatayo si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng 5,000 lamp posts para maging mas maliwanag ang buong lungsod.

Ayon kay Estrada, sisimulan sa Enero ang kanyang street lighting program. “This is what I promised to the Manilenos:

to ensure their safety at night and to revive the old glory of Manila, and for a brighter 2017,” aniya pa.

Sinabi ni Engr. Lorenzo Alconera, hepe ng City Electrical Division, na target ng pamahalaang lokal ang P300 milyong budget para maitayo ang mga street light sa 156 na kalye. (Mary Ann Santiago)

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao