Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa lahat ng Pilipino ang isang payapa at masaganang Pasko sa buong bansa, sa una niyang pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo bilang pinuno ng Republika.

“My beloved countrymen, as we remember the birth of our savior Jesus Christ, let us celebrate with genuine compassion and desire to foster hopes in our hearts,” sinabi ni Pangulong Duterte sa isang video message. “This Yuledtide season, I wish for peace, order, progress for our country.”

“Greeting you all a very merry Christmas—my family, my fellow workers in government, and let us all look forward for the coming of a new year with great happiness,” dagdag pa niya.

Sa kanyang bayan sa Davao City ipagdiriwang ng 71-anyos na presidente ang Pasko, at napaulat na hindi naman masyadong maiiba ang selebrasyon niya ngayong Pasko kumpara sa mga nakalipas na taon na siya ang alkalde ng lungsod.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bumiyahe si Duterte pauwi sa Davao City nitong Huwebes ng gabi makaraang dumalo sa Convergence of Nanay Volunteers as Community Drugwatch sa Clarkfield sa Angeles City, Pampanga.

Itinakda ang tradisyunal niyang pagbisita sa mga pasyente ng cancer sa Davao City kahapon, bisperas ng Pasko.

Bubuksan din ni Duterte ang kanyang bahay sa mahihirap, ayon kay Andanar. (Elena L. Aben)