Mariing binalaan ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang mga tindero at manufacturer ng mga ilegal na paputok na aarestuhin ang mga ito kahit pa holiday kapag nahuling lumalabag sa batas.

Ayon kay EPD Director Chief Supt. Romulo Sapitula, mahigpit nilang ipatutupad ang RA 7183 o ang “Illegal Manufacture and Sale of Firecrackers and Pyrotechnics” sa Pasig City, Mandaluyong City, Marikina City at San Juan City.

Tiniyak din ni Sapitula na walang sasantuhin ang EPD kahit na Pasko kapag may nahuling nagbebenta at gumagawa ng ilegal na paputok.

Tinukoy ng Firearms and Explosives Division (FED) na ilegal na paputok ang Watusi, Picolo, Super Lolo, Atomic Big Triangulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Five Star, Pillbox, Boga, Big Juda’s Belt, Big Bawang, Kwiton, Goodbye Philippines, Kabasi, Pla-pla, Atomic Bomb, Og, Giant Whistle Bomb, at mga paputok na walang label. (Mary Ann Santiago)

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?