Hindi ipinagbibili ang Pilipinas sa Russia o China.

Ito ang nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwersa ng gobyerno bilang pagtiyak na hindi niya kailanman ilalagay sa panganib ang soberanya ng bansa.

Ito ang inihayag ni Duterte nang dumalo siya sa awarding ceremony ng Philippine National Police (PNP) at Armed Armed Forces of the Philippines (AFP) golf tournament sa Camp Aguinaldo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo sa militar at pulisya na wala silang dapat alalahanin sa kabila ng madalas niyang pagbatikos sa matagal nang kaalyado ng bansa, ang Amerika.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong nakaraang linggo lamang, muling nagbabala si Duterte na pawawalang-bisa na ang kasunduan na nagpapahintulot sa sandatahan ng Amerika na bumisita sa Pilipinas matapos magpasya ang Amerika na pigilin ang Millennium Challenge Corporation (MCC) aid package sa Pilipinas.

“My rift with the United States... do not worry about (it),” ani Duterte. “I will not sell (the) Philippines to Russia and ano (China).”

“Honestly, in fairness to (Chinese President) Xi Jing Ping, we never talked about military alliance,” dagdag niya, sinabing pawang usaping pang-ekonomiya at kalakalan lamang ang kanilang tinalakay.

“Naiipit talaga tayo ‘pag binitawan tayo ng Amerika. Delikado. Ang problema sa kanila... there are times when they overstepped the boundaries of dignity,” ani Duterte. (ELENA L. ABEN)