SAN MANUEL, Tarlac – Nasawi ang driver ng isang van at grabe namang nasugatan ang limang iba pa makaraang makabanggaan ng sasakyan ang kasalubong na Isuzu tractor head sa highway ng Barangay Colubot sa San Manuel, Tarlac, Lunes ng gabi.

Patay si Eric Vidal, nasa hustong gulang, driver ng Hyundai Grace (XLA- 489), habang grabe namang nasugatan sina Mark Raymund Pano, 25, ng Bgy. Magaspac, Gerona; Marlon Licuanan, 35, ng Bgy. Tay-oc, Rosario, La Union; Jayson Garcia, 28, ng Mangatarem, Pangasinan; Emelyn Gannaban, nasa hustong gulang, ng Bgy. Magaspac, Gerona; at Reynaldo Dano, 67, ng Pozorrubio, Pangasinan.

Dakong 11:45 ng gabi nang makabanggaan ng van ang tractor head (REH-766) na minamaneho ni Orlando Palo, 68, ng Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan, na iniimbestigahan na ngayon ng pulisya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog