Disyembre 21, 2012 nang i-post ang isang music video para sa smash single ni PSY na may titulong “Gangnam Style” at ito ang unang single video sa kasaysayan ng Internet na umabot ng isang bilyon ang manonood.

Nang magkaroon ng bilyong manonood, ang YouTube page ng nasabing video ay nagsasabi na umabot na ito sa 1,000,382,639, dakong 10:50 ng umaga noong araw na iyon.

Ang tagumpay na ito ay naabot 27 araw matapos mahigitan ng video ang “Baby” ni Justin Bieber bilang pinakapinapanood na YouTube video. Ilang araw matapos mahigitan ang 803 million record views, napanatili ng video ang mahigit 6.5 million views kada araw—tinatayang 76.4 views kada segundo.

Habang isinusulat ito, ang “Gangnam Style” music video ay may 2,713,110,665 views na simula nang i-upload ito apat na taon na ang nakalilipas.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?