BERLIN (Reuters) – Isang truck ang umararo sa Christmas market sa central Berlin noong Lunes ng gabi na ikinamatay ng 12 katao at ikinasugat ng 48 iba pa.

Hawak na ng pulisya ang driver habang ang isang sakay ng truck ay namatay nang bumangga ito sa mga taong nagtitipon sa mga kubo na naghahain ng mulled wine at sausages sa paanan ng Kaiser Wilhelm memorial church sa sentro ng dating West Berlin.

Iniimbestigahan ngayon ng Berlin police ang mga impormasyon na ninakaw ang truck mula sa isang construction site sa Poland.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa