Huli na ang lahat nang isugod ang isang lalaki sa ospital makaraang mabundol ng kotse habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Naisugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ngunit nasawi rin si Renato Balmes, ng 217 Penarubia Street, Binondo, dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ni SPO3 John Cayetano, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), dakong 12:25 ng madaling araw nangyari ang aksidente sa harap ng Delpan Sports Complex, na matatagpuan sa Alay Puso Street, Delpan, Tondo.

Nabatid na tumatawid ang biktima nang aksidenteng mabangga ng Toyota Vios (UWQ-936), na minamaneho ni Lawrence Baslote, 22, ng 1320 Carlos P. Garcia Street, Tondo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kaagad namang isinugod sa nasabing ospital ang biktima ngunit nasawi rin.

Si Baslote ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Mary Ann Santiago)